-- Advertisements --

Tinamaan ng drones ng Ukraine ang pangunahing gas export terminal sa St. Petersburg sa Russia.

Ang nasabing pagsabog ay nagdulot ng malaking sunog sa Ust-Luga terminal.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa nasabing pagsabog.

Ayon sa Kiyv na ang “special operation ” ng SBU security service ang namuno sa nasabing atake.

Kapwa gumagamit ng drones ang Russia at Ukraine sa kanilang pinakabagong pag-atake.

Dahil sa insidente ay inilagay ni St Petersburg regional governor Alexander Drozdenko ang lugar sa “high alert”.