-- Advertisements --
Maaring isailalim sa Commission on Elections (Comelec) control ang Malabang, Lanao del Sur para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kasunod ng indiscriminate firing incident sa munisipyo sa paghahain ng certificate of candidacy, ayon kay poll chairman George Garcia.
Sinabi ni Garcia na personal niyang irerekomenda na ilagay ang Malabang sa ilalim ng Comelec control matapos magpaputok ng baril ang dalawang indibidwal sa Municipal Hall ng Malabang noong Agosto 31 sa gitna ng paghahain ng COC.
Sumuko naman na sa awtoridad ang mga salarin, na umano’y nagtatrabaho para kay Malabang Mayor Alinader Balindong at kasalukuyan silang nakakulong at pormal na sinampahan na ng kaso.