-- Advertisements --
Kaya pang maabot ng Pilipinas ang target ng pamahalaan na magkaroon ng “better” Christmas ngayong taon, ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Sinabi ito ni Galvez kahit pa dumarami sa ngayon ang tinatamaan ng Delta coronavirus variant at tumataas ulit ang naitatalang COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Galvez, posible na maging mas mabuti ang Pasko ngayong taon sa Pilipinas dahil maraming mga lugar sa bansa ang mabilis ang rollout ng bakuna, bukod pa sa tuloy-tuloy din ang deliveries ng vaccine supplies.
Halimbawa na lamang aniya ang Metro Manila sa mga lugar na tuloy pa rin ang pagbabakuna kahit pa nasa ilalim ito ng enhanced community quarantine bunsod ng pagsipa ng COVID-19 cases.