-- Advertisements --

Nababahala ang pamahalaan sa “hoarding” na umano’y nangyayari sa harap nang limitadong supply ngayon sa buong mundo ng bakuna kontra COVID-19 vaccines.

Sa kanyang pagharap sa online meeting ng United Nations Economic and Social Council (UN-ECOSOC), sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maraming mga tao sa mundo ngayon ang tinatamaan ng nangyayaring vaccine hoarding.

Bukod dito, maging ang global response ay naapektuhan din aniya ng ganitong hakbang.

Kaugnay nito, nanawagan si Galvez para sa pagkakaroon ng international cooperation sa pagresolba sa kalbaryong idinudulot ng COVID-19 pandemic, partikular na sa pagtitiyak nang equitable distribution ng mga bakuna.

Dapat na palakasin din aniya ng international community ang kanilang global solidarities at collective commitment para masolusyunan ang multidimensional challenges na kaakibat ng COVID-19.

Nauna nang nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si UN Secretary General Antonio Gutierres sa aniya’y “uneven and unfaird” distribution ng COVID-19 vaccines.