-- Advertisements --

Arestado ng mga tauhan ng Makati City Police ang 61 taong gulang na French national matapos itong umakyat sa mataas na gusali sa Makati City nang walang suot na safety equipment.

Kinilala ng mga otoridad ang lalaki na si Alain Robert na kilala rin sa bansag na “French Spider-Man” na kilala sa larangan ng free solo climbing at pag-akyat sa ilang matataas na gusali sa iba’t-ibang lugar sa mundo nang walang suot na climbing equipment.

Ngayong araw, ang isa sa pinakamataas na gusali sa Makati City na mayroong 47 palapag at may taas na 712 feet.

Ang ginawang ito ni Robert ay pumukaw ng samu’t-saring atensyon mula sa publiko at mga otoridad, ngunit aniya ang dahilan ngayon ng kaniyang pag-akyat sa naturang gusali ay ang nangyayari umanong sigalot ngayon sa mga karagatan ng Pilipinas.

Sa ulat, tumagal ng hanggang dalawang oras ang kaniyang pag-akyat sa gusalim at agad din siyang inaresto ng mg otoridad pagkatapos.

Ayon kay Makati City Police station chief PCol. Edward Cutiyog, posibleng maharap sa kasong alarm and scandal si Robert, gayundin ang posibilidad ng umano’t trespassing depende sa kanilang magiging imbestigasyon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na inakyat ng dayuhan ang naturang gusali sapagkat noong taong 2019 ay inakyat na rin nito ang parehong gusali at parehong mga reklamo ang inihain ng mga otoridad laban sa kaniya.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Makati City PNP si Robert habang hinihintay ang magiging desisyon n piskalya hinggil sa kaniyang kaso.