-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Inamin ng PhilHealth Region 2 na may mga natukoy na silang fraudulent claims sa COVID 19 benefits ng mga pasyente na kinasasangkutan ng ilang personnel ng mga quarantine facilities.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Buddy De Jesus, spokesman ng PhilHealth Region 2, sinabi niya na iniimbestigahan na nila ang naturang mga fraudulent claims, habang nasampahan na rin ng kaso ang ilang indibiduwal.

Nagpaalala si De Jesus na mahigpit ang pamunuan ng PhilHealth sa monitoring kontra fraudulent claims na kinasasangkutan ng ilang personnel ng mga quarantine facility.

Sa kabila nito ay hinimok niya ang publiko na patuloy na suportahan ang mga programa ng PhilHealth.