-- Advertisements --
Tinawag ng France na walang basehan ang akusasyon ng Russia sa United Kingdom na sila ang nasa likod ng pag-atake sa Nord Stream pipeline at sa tulay sa Crimea.
Ayon sa French Foreign Ministry na walang basehan ang alegasyon na ito ng Russia.
Unang sinabi ng Russian defense ministry na tinulungan umano ng UK ang Ukraine para isagawa ang nasabing pagpapasabog sa pipeline at ang tulay sa Crimea.
Dagdag pa ng French Foreign Ministry na walang matibay na ebidensiya ang Russia sa nasabing alegasyon.
Inililihis lamang umano ng Russia ang katotohanan kay naglabas sila ng nasabing pahayag.