-- Advertisements --

Pinalagan ng Katolikong pari at human rights activist na si Fr. Flaviano Villanueva ang paratang ng mga nagpakilalang dating sundalo na nakatanggap siya ng kickbacks mula sa flood control projects sa isinagawang Senate Blue Ribbon Committee hearing nitong Huwebes, Hunyo 4.

Sa kanilang salaysay, inakusahan nila si Fr. Flavie na nakatanggap umano ng sobre na naglalaman ng pera malapit sa simbahan sa Mindanao Avenue sa Quezon City gayundin nakatanggap din umano siya ng maletang naglalaman ng pera na ipinadala naman sa address na tinukoy bilang “33 Clemente.”

Kung babalikan, si Fr. Flavie ay isang bokal na kritiko ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang din siya sa mga nagsampa ng reklamong plunder laban kay Vice President Sara Duterte noong Disyembre 2025.

Samantala, ayon sa kampo ni Villanueva, gumagawa na sila ng legal na aksiyon laban sa mga dating sundalo.