Maaring payagang makapasok ng bansa ang mga foreign business travelers sa oras na luwagan ang quarantine restrictions sa modified general community quarantine (MGCQ), ayon sa isang opisyal ng Department of Tourism (DOT).
Sinabi ni Tourism Undersecretary Bong Bengzon na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang siyang may pinal na desisyon kung papayagan ang mga business travelers mula sa ibang bansa na makapasok sa bansa.
“[Pero] pagdating ng modified GCQ, pwede nang payagan, basta siyempre the assumption is meron na ring pahintulot galing sa ating mga health authorities na papasukin itong mga dayuhang ito,” saad ni Bengzon sa isang panayam.
Noong nakaraang linggo, hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na i-recalibreate ang kanilang COVID-19 response plan sa pamamagitan nang pagkonsidera sa mga aral na kanilang natutunan sa laban kontra sa naturang pandemiya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roeuq, nagkaroon ng consensus ang ASEAN leaders sa pagsusulong ng vaccine development.
Sinabi niya na nagkasundo ang mga lider na lahat ng mga bansa ay dapat na bigyan ng access sa mga bakuna sa oras na available na ito.
Mayroon din aniyang mga proposals na buksan ang ASAEAN sa mga business travelers pero subject pa rin sa health protocols.
Bagama’t maraming mga lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng GCQ, karamihan sa mga urban areas katulad ng Metro Manila at Davao City ay nasa ilalim pa rin ng GCQ at ang Cebu City naman ay nasa ECQ hanggang Hunyo 30.










