Mariing binigyang linaw ni Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta kung maaari din bang gawing alternatibo ang food pills para magig supplement ng mga mahihirap na mamamayan ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta sa naganap confirmation hearing ng Commission on Appointments
Aniya, maraming mga kababayan antin ang nangangailangan ng pagkain lalu na ang mga mahihirap na kung minsan ay hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.
Dagdag pa niya, ang food pills na nabanggit kapag ininom ay maaaring maging alternatibong laman-tiyan ng ilang araw.
Maraming mga Pilipino kasi ang hindi sapat ang kinikita sa araw araw at kung minsan ay walang trabaho kaya hindi sila nakakapag-provide ng kakainin sa bawat araw.
Una na rito, binanggit ni Dept of Science and Technology Secretary Renato Solidum, na kinumpirma ng bicameral body ang appointment na ang mungkahi ni Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta ay titingnan ng food security committee ng Dept of Science and Technology. | Bombo Allaiza Eclarinal