-- Advertisements --
Nagwagi si Pinoy mixed martial arts fighter Eduard Folayang laban kay Australian legend John Wayne Parr sa main card ng ONE X na ginanap sa Singapore.
Ito na ang maaring huling laban ni Parr dahil sa nakatakda na itong magretiro.
Sa simula pa lamang ng laban ay dominado na ng Pinoy figther ang laban.
Sa ikalawang round pa lamang ay napatumba na nito si Parr subalit agad itong nakatayo at pagdating ng ikatlong round ay napa-atras naman si Folayang dahil sa malawak na flying nito.
Si Folayang ay 3-time Southeast Asian games medalist sa wushu ay nagpasalamat dahil sa nakaharap nito si Parr.
Hindi naman maiwasan ni Parr na maging emosyonal sa kaniyang mga fans na sumuporta sa kaniya.










