-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sampung barangay ang magsama-sama sa Dugong Bombo ng Bombo Radyo Philippines ngayong araw sa Lungsod ng Passi.

Ang bloodletting activity ay gagawin sa tulong ng dalawang blood bank centers na kinabibilangan ng Philippine Red Cross-Iloilo Chapter at Western Visayas Medical Center.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Passi City Mayor Atty. Stephen Palmares, sinabi nito na tatanggapin din ang mga walk in blood donors na dadaan sa screening.

Ito na ang pangalawang beses na gaganapi ang Dugong Bombo sa Passi City ngayong Abril.