-- Advertisements --
image 103

Target daw mabuksan ang unang bahagi ng North Luzon Expressway-South Luzon Expressway connector bago mag-pasko.

Ang naturang connector ay mag-uugnay sa Caloocan hanggang sa España sa Maynila.

Ang connector project ang magdudugtong sa NLEX-Balintawak at SLEX-Alabang.

Kapag nabuksan ito ay iiksi na sa 20 minuto imbes sa mahigit 1 hanggang 2 oras ang biyahe mula Caloocan hanggang Alabang.

Sinabi naman ni NLEX Corporation Project Manager Edward Castro, nagsagawa na sila ng traffic simulation at hindi ganoong maaapektuhan ang daloy ng trapiko.

Sa umaga, tatlong lanes ang bukas pa-Legarda sa Maynila at Cubao sa Quezon City. Sa gabi, dalawang lanes lang ang bukas.

Isusunod naman sa Pebrero ang pagbubukas ng ugnayan sa pagitan ng España at Sta. Mesa.

Pero ang mga timeline na ito ay masusunod kung matutugunan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga isyu ng right of way sa kahabaan ng elevated expressway o iyong mga matatamaang mga bahay at impraestruktura.

Target naman buksan ng DPWH ang buong NLEX-SLEX connector bago matapos ang 2023.