-- Advertisements --

Pina-plantsa na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang resulta ng imbestigasyon nito sa kaso ng pagkaka-dawit ni dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde sa tinaguriang mga “ninja cops.”

Ayon kay DILG spokesperson Usec. Jonathan Malaya, nire-review na lang ng kanilang tanggapan ang resulta ng imbestigasyon matapos maisumite sa tanggapan ni Sec. Eduardo Año noong nakaraang buwan.

Umaasa ang tagapagsalita ng ahensya na magsisilbing batayan ang imbestigasyon para maibalik ang kredebilidad ng PNP bilang attached agency ng DILG.

Kung maalala, lumutang sa mga nakalipas na pagdinig ng Senado ang umano’y ugnayan ni Albayalde sa mga ninja cops na responsable sa recycling ng illegal drugs na nasamsam sa isang operasyon noong 2013 sa Pampanga.

Target ng Interior department na mai-release ang findings ng imbestigasyon bago ang opisyal na retirement ni Albayalde sa pwesto sa November 8.