-- Advertisements --

Wagi ang Pilipinong boksingero na si John Leo Dato sa laban nito kontra Juan Antonio Lopez sa undercard ng Pacquiao-Thurman bout sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Limang rounds lamang ang kinailangan ni Dato para manalo via knockout kontra Lopez sa kanilang eight-round featherweight fight.

Pinabagsak ng 26-anyos na si Dato si Lopez sa pamamagitan ng malupit na body shot para wakasan ang kanilang bakbakan sa 2:05 mark ng ika-limang round.

Ang tagumpay ni Dato ay ang pinaka-unang panalo ng tatlong Pilipinong sasabak sa Pacquiao-Thurman undercard.