CEBU CITY – Full force ang suporta ng Filipino Community sa Florida, USA at Korat, Thailand para sa pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Rabiya Mateo.
Ayon kay Baltazar Quinain, ang Bombo international correspondent sa Florida, USA todo ang suporta ng mga Pilipino na nakabase sa nasabing bansa at sa katunayan ay ginagawa ng mga ito ang lahat para mapakita ang suporta sa 24-year-old half Indian beauty.
Umaasa ito na malayo ang mararating ng Pilipinas gaya ni Miss Universe 2018 na si Catriona Gray dahil maliban sa maganda ito, napakahusay din ng communication skills.
Samantala, iniulat din mula sa
Korat, Thailand na si Josel Racho na full support ang binibigay ng Filipino community sa Thailand.
Kumpyansa ito na makakapasok si Rabiya sa Top 5 ng coronation night sa Mayo 17 sa Hollywood, Florida.
Nanawagan ito sa mga kapwa Pilipino na tigilan na ang pangba-bash at sumuporta na lang kay Rabiya na siyang nagdadala ng pangalan ng Pilipinas.