-- Advertisements --
Pinapurihan ng Filipino Chinese Chamber of Commerce (FCCC) ang mga ginagawang hakbang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni FCCC member na si Wilson Flores, na maganda ang ipinapakita ng ating Pangulo sa kanyang mga nagdaan niyang state working visits dahil maayos nitong pagharap sa mga world economic leaders at maayos na pag presenta sa ating bansa para pagbuhusan ng mga investor mula sa iba’t ibang mga bansa.
Dagdag pa ni Flores na nagpapasalamat ang Filipino-Chinese business community sa nagiging takbo ng ekonomiya ng bansa ngayong taon dahil sa ‘very optimistic’ na lagay nito.