-- Advertisements --
Nakahanay ang Philippine women’s national football team na Filipinas sa Group E para sa Asian Games na magsisimula sa Setyembre sa Hangzhou, China.
Makakasama nila sa nasabing grupo ang world no. 17 na South Korea , world no. 50 na Myanmar at number 78 na Hong Kong.
Ang top team ng bawat grupo at ang tatlong best runner-ups ay abanse na sa knockout stage.
Hindi kasi nakasama ang Filipinas sa 2018 Asian Games kung saan nagkampeon ang Japan ng talunin nila ang China habang tinalo ng South Korea ang Chinese Taipei para makuha ang ikatlong puwesto.
Magiging malaking hamon ito ngayon sa Filipinas dahil sa ilang linggo lamang ang pagitan sa 2023 FIFA Women’s World Cup na magtatapos sa Agosto.