-- Advertisements --

Nakatutok ngayon ang Filipinas womens’ football ng bansa na maipanalo ang laban nila kontra sa Australia sa ikalawang round ng AFC Women’s Olympic Qualifying Tournament.

Sinabi ni Filipinas coach Mark Torcaso na ang panalo nila sa Chinese Taipei nitong Huwebes sa score na 4-1 ay isang patunay ang kahandaan ng koponan sa nasabing torneo.

Umaasa ito na mauulit nila sa pagharap nila sa Australia ang naging magandang performance nila kontra sa Chinese Taipei.

Kailangan kasi na manguna ang Filipinas sa Group A para umarangkada na sila sa susunod na round.

Ang Australia ay ranked 11 sa buong mundo habang ang Filipinas naman ay nasa ranked 44.