-- Advertisements --
Gumawa ng record sa kasaysayan ang Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.
Ito ay matapos namaging cover siya ng Vogue US magazines.
Sa August issue ng magazine ay makikitang nakasuot ito ng kulay silver na damit at mini skirts.
Ang cover story nito ay sulat ni Filipino author at writer Jia Tolentino kung saan tinalakay ang pagpasok nito sa edad na 20 at ang pagiging matured.
Labis naman ang pasalamat ng singer sa magazine dahil sa pagpili sa kaniya.
Magugunitang inanunsiyo ng singer ang paglabas ng bago nitong kanta sa buwan ng Setyembre.