-- Advertisements --

Tinanghal bilang Top Creators ng Forbes ngayong taon ang Filipino-American TikTok star at singer Bella Poarch.

Nasa pang-34 ang ranking nito na may kitang $3.3 milyon ngayon taon.

Aabot rin sa mahigit 112 milyon ang kaniyang social media followers at average engagement na 0.65 percent.

Ayon sa Forbes na umarangkada ang career nito noong 2020 at lalo pang sumikat ng ilabas niya ang kaniyang album noong 2022.

Nagdagdag rin sa kita niya ang pagiging model ng Savage X Fenty lingerie brand ng singer na si Rihanna.

Naglabas din ito ng produkto kasama si Steve Madden at Funko Pop.