-- Advertisements --
“Best celebration” kung ituring ng kauna-unahang Pinay Victoria’s Secret model na si Kelsey Merritt ang pagsalubong sa kanyang 24th birthday.
Ito’y matapos maipagdiwang pa rin ang espesyal na araw kasama ang kasintahang si Conor James Dwyer na isang American swimmer at Olympic gold medalist.
Agaw pansin ang larawan ng magkasintahan habang nasa karagatan sa Cabo San Lucas, Baja California Sur sa Mexico.
Bukod kasi sa kapwa sila nakapang-beach outfit, magkahalikan pa ang mga ito habang magkayakap.
Nabatid na sa Mexico, mahigit 700,000 ang kaso ng Coronavirus Disease (COVID) at halos 80,000 dito ang tuluyang nasawi.