-- Advertisements --

Ikinasal na ang Filipino-American actress na si Vanessa Hudgens kay professional baseball player na si Cole Tucker.

Naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa isang gubat sa Mexico ng Azulik City of Arts.

Sinabi ng singer na kakaibang karanasan ang nasabing kasal dahil ngayon lamang nito naranasan na mapunta sa lugar.

Pinangunahan ni author Jay Shetty ang kasal na siyang dating monk at naghost ng Zoom meditation noong unang magkakilala sina Vanessa at Cole sa taong 2020.

Noong 2022 ng nagpropose si Tucker at nitong Pebrero ng kinumpirma ng dalawa ang kaniyang engagement.