-- Advertisements --

Mahigit isang buwan mula noong matapos ang FIFA World Cup 2026, naglabas na ang FIFA Disciplinary Committee ng desisyon sa naganap na kaguluhan sa pagtatapos ng Finals match.

Sa desisyon ng komite, anim na player ang pinagmumulta na kinabibilangan ng mga sumunod:

Leadro Paredes – pinagmulta ng $90.000 at hindi makakapaglaro ng sampung international match.

Nahuel Molina – pinagmulta ng $90.000 at hindi makakapaglaro ng pitong international games.

Pablo Gavi – pinagmulta ng $30.000 at 1 game ban

Thiago Almada pinagmulta ng $30.000 at isang game ban

Roberto Ayala (team official) – tatlong game ban

Pablo Martín Páez Gavira – isang game ban

Pinatawan din ang Argentinian Football Association ng mulang nagkakahalaga ng $321,000 dahil ilang ‘breach’ o paglabag sa kabuuan ng World Cup Finals laban sa Spain.

Ang naturang desisyon ay kasunod na rin ng disciplinary proceedings na isinagawa ng FIFA matapos ang kontrobersiyal na kaguluhan sa huling bahagi ng Finals. Maalalang kinoronahan ang Spain bilang World Cup champion habang silver trophy naman ang nakuha ng dating champion na Argentina.