MANILA – Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na wala pang COVID-19 vaccine na ginagawaran ng emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas.
Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng pumutok na balitang tinurukan na ang ilang uniformed personnel ng bakunang gawa ng Chinese pharmaceutical company na Sinopharm.
“As of date, the FDA has not issued any EUA to any vaccine for COVID-19,” ani Usec. Eric Domingo, director general ng ahensya.
Binigyang diin ng opisyal na walang kasiguraduhan na ligtas, kalidad, at epektibo ang mga bakuna na walang EUA, at hindi dumaan sa required na technical evaluation ng ahensya.
Sa ilalim ng Republic Act No. 9711 o FDA Law, nakasaad na bawal ang manufacturing, importation at exportation, pagbebenta, pamamahagi, at sponsorship ng mga hindi otorisadong bakuna.
Tiniyak ni Domingo na babantayan nila ng maigi ang regulasyon ng mga bakuna. Patuloy din daw silang makikipag-ugnayan sa iba pang ahensya para maparusahan ang mga sangkot sa iligal na aktibidad.
“Vaccines will only be approved if there is reasonable scientific evidence to show that benefit outweighs risk.”
“We will concentrate on making sure that only vaccines that pass standards will be made available to the public.”
Iginiit ng Department of Health na lahat ng bakuna ay dapat dumaan sa regulatory process ng mga eksperto.
“DOH maintains that all vaccines should undergo the evaluation and regulatory process of our regulatory and expert bodies.”
“The administration of approved vaccines is also accompanied by strict monitoring of all vaccine recipients in order to ensure proper management of possible effects,” dagdag ng kagawaran.
Nitong December 23 nang mag-pasa ng aplikasyon para sa EUA ang American pharmaceutical company na Pfizer.