-- Advertisements --
FDA

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Food and Drugs Administration (FDA) at Department of Science and Technology (DOST) na magtrabaho ng 24 oras.

Ito ay para mabilis na makahanap ng lunas laban sa coronavirus.

Sa kaniyang talumpati nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na dapat magdagdag ng mga tao ang nabanggit na mga ahensiya para makapag-operate sila ng 24 oras.

Nanawagan din ang Pangulo sa mga healthcare professionals at maging mga medical graduates na mag-volunteer sa FDA at DOST.