-- Advertisements --

Panibagong “guessing game” para sa mga fan ni Alice Dixson ang pinag-uusapang larawan nito habang nasa cannabis farm.

Sa naturang kontrobersyal na larawan, kinumpirma ng 51-year-old actress na marijuana ang mga halaman sa kanyang paligid na ang iba ay abot sa 10 talampakan ang taas.

Walang nabanggit kung saan, pero kasama raw nito ang kanyang pinsan sa pag-akyat muna sa bundok bago marating ang naturang taniman ng marijuana.

Nasa hashtag pa nito na iligal ang marijuana, katabi ang watawat ng Pilipinas.

https://www.instagram.com/p/CE23AoDg0Qo/

Kung maaalala, nitong Hulyo nang idaan ng Binibining Pilipinas International 1986 sa kanyang video blog ang paglilinaw sa tinaguriang “taong ahas” urban legend na kanyang kinasangkutan habang nasa isang sikat na mall sa Ortigas.

Dito ay kanyang iginiit na walang katotohanan ang kuwento na naisalin na sa iba’t ibang bersyon sa loob ng tatlong dekada.