Nilinaw ng mga opisyal ng FIFA World Cup 2022 ang mga kakailanganing COVID requirements para sa mga papasok sa bansang Qatar na kung saan gaganapin ang biggest sporting event sa buong mundo.
Batay sa abiso, ang mga football fans na manonood ay kailangan na mag-download ng isang application na konektado sa gobyerno para sa contact tracing at maantabayanan ang kanilang health status habang sila ay nasa Qatar.
Una rito, hindi na daw required ang COVID vaccination at wala ng mangyayaring quarantine para sa inaasahang 1.2 milyong katao na inaasahang bubuhos sa FIFA World Cup 2022.
Sa ngayon, puspusan pa rin ang kanilang paghahanda para sa mas maayos na games sa nasabing bansa na aarangkada na sa buwan ng Nobyembre. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)










