Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makakapagbigay ito ng food packs sa mga pamilyang apektado ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon sa loob ng hindi bababa sa susunod na 45 araw.
Sa kanyang pagbisita sa Barangay Anislag kung saan pinangunahan niya ang pamamahagi ng family food packs, sinabi ni Secretary Rex Gatchalian na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na tiyakin ang kahandaan ng departamento na tulungan ang mga pamilyang inilikas mula sa 6-kilometer (km) radius permanent danger zone mula sa bulkan.
Aniya, may humigit-kumulang 102,000 family food packs (FFP) na nakaposisyon na sa Bicol at mga karatig-probinsya at handa nang ipamahagi.
Mayroong 60,000 sa Albay at ang 42,000 FFP ay nasa karatig probinsya.
Nakahanda ang DSWD na tiyaking maibibigay ang mga pangangailangan sa mga tuntunin ng pagkain ng mga apektadong evacuees at residente.
Aniya, tagubilin ng Pangulo ay tiyakin na walang nagugutom sa iba’t ibang evacuations.
Sa datos ng Albay Public Safety Emergency Management Office, 4,390 pamilya o 16,823 indibidwal mula sa siyam na munisipalidad na kinabibilangan ng, Camalig, Daraga, Guinobatan, Ligao City, Malilipot, Tabaco City, Sto. Domingo, Bacacay at Legazpi City, ang apektado ng nasabing pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Isa pang 40,000 indibidwal ang nakatakdang ilikas mula sa 7-km extended danger zone kung ang status ng Mayon ay itataas sa Alert Level 4.
Ang isang food pack ng pamilya ng DSWD ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na lata ng corned beef, apat na lata ng sardinas at anim na pakete ng energy drink o kape, sapat para sa isang pamilya na may limang tao sa loob ng dalawang araw