-- Advertisements --
Wala pang balak na magretiro si Formula 1 champion Lewis Hamilton.
Sinabi ng seven-time world champion na mayroon pa itong ninanais na makamit.
Hindi pa kasi nito nasubukan ang magkaroon ng grand prix sa Africa.
Nasasabik ito ng sabihin ng F1 na inaayos nila ang nasabing karera sa Africa.
Dagdag pa nito ng mabalitaan ito ay hindi niya maipaliwanag ng saya dahil siya ay half-African.
Huling naisagawa ang karera sa Africa ay noong 1967-85 at 1992 at 1993 sa Kyalami sa South Africa.
Si Hamilton ay unang black driver kung saan ang ama nito ay isan Afro-Caribbean habang American ang Ina nito.
















