-- Advertisements --

Umarangkada na ang executive session ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Senadora Risa Hontiveros hinggil sa mga kaso
ng human-trafficking at cyber-fraud operations ng mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa.

Present ang lahat ng inimbitahang ahensya ng gobyerno sa isinagawang executive session sa Senado.

Gayunpaman, hindi binuksan sa media ang pagpupulong dahil sa ilang mga sensitibong impormasyon na paguusapan na posibleng may kinalaman sa national security.

Sa pulong balitaan sa Senado, kinumpirma rin ni Hontiveros na hindi rin inimbitahan si suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo dahil para lamang daw sa executive agencies ang meeting at upang malaya nilang masabi ang mga mahahalagang impormasyon.

Nang matanong din ang senadora kung na-establish ba ang nationality at ang sinasabing kaugnayan ng alkalde sa POGO, sinabi ni Hontiveros na walang nakabawas sa namumuong opinyon ng komite na si Mayor Alice ay may kinalaman sa POGO hub sa Bamban.

Napagalaman din kasi na bukod sa mga krimen na kinasangkutan ng POGO sa Tarlac ay may impormasyon din na ginagamit ang POGO complex sa hacking at surveillance activities para manmanan ang galaw ng bansa.