Nakatakdang ianunsiyo ni dating US President Donald trump sa susunod na taon ang plano nitong tumakbo para sa 2024 Presidential elections.
Ito ang kinumpirma ng longtime advisor ni Trump na si Jason Miller.
Sa gitna na rin ito ng pagpapahiwatig ng dating Pangulo ng Amerika habang nangangampaniya ito para sa Republican candidates bago ang midterm elections kung saan sinabi ni Trump na mayroon itong very big announcement sa araw ng Martes.
Ang naging malaking anunsiyo na ito ni Trump sa Florida ay matapos ang nakadidismayang pagtakbo umano ng ilang kandidato na kaniyang sinuportahan sa midterms dahil sa mababang victory na nakuha kesa sa inaasahan.
Mula kasi sa 211 seats, lumalabas na ang Republicans ay nakapag-secure na ng slim majority na 435 seat sa House of Representatives subalit posibleng bumaba aniya ang tyansa na makuha ang kontrol sa Senado sa unang bahagi ng December runoff sa southern state ng Georgia.
-- Advertisements --