Nakapaglagak na si dating US President Donald Trump ng $175 million bond para sa kaniyang civil fraud case sa New York.
Bunsod nito, hindi na kukumpiskahin ng state authorities ang mga asset ni Trump at mapipigilan ng bond si New York Atty. general Letitia James sa paghabol sa mga ari-arian ni Trump kabilang ang Trump Tower, ang kaniyang 370-acre resort at golf course sa Westchester at ang kaniyang Mar-a-Lago estate sa Florida.
Matatandaan kasi na hinatulang liable noong Pebrero 16 si Trump sa pamemeke ng halaga ng kaniyang yaman para makakuha ng mas malaking loan.
Orihinal na itinakda sa $454 million ang bail bond ni Trump para sa naturang kaso subalit nanindigana ng appeals court noong March 25 sa pagpapatupad ng naging hatol ni Justice Arthur Engoron sa kondisyon na pagbayarin ng $175M sa loob ng 10 araw.
Una na ring itinanggi ni Trump ang akusasyon laban sa kaniya at sinabing ang kaso laban sa kaniya ay isang political witch hunt ni Atty. general James na isang Democrat na nagdemanda sa kaniya noong 2022.










