-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad si dating NBA player Patrick Beverley.

Ayon sa mga kapulisan nahaharap sa kasong felony assault ang 6’2″ point guard sa Richmond, Texas.

Pansamantala ito ng naghain ng piyansa na aabot sa $40,000.

Depensa naman ng abogado nito na pinagtanggol lamang nito ang nakakabatang kapatid na babae na sinasaktan umano ng kaniyang kinakasama.

Naglaro si Beverley sa Houston Rockets, Los Angeles Clippers, Minnesota Timberwolves, Los Angeles Lakers, Chicago Bulls, Philadelphia 76ers at ang pinakahuli ay ang Milwaukee Bucks.