-- Advertisements --
Tinagurian ngayon bilang kauna-unahang bilyonaryong sa larangan ng sports si dating England captain Sir David Beckham.
Ayon sa Sunday Times Rich List na aabot ang yaman ni Beckham at asawa nitong si Victoria ng mahigit $1.5 bilyon.
Sumusunod sila kay pamilya ng dating Formula 1 boss na si Bernie Ecclestone na aabot sa mahigit $2-B.
Nasa pampitong puwesto naman si Northern Ireland golfer Rory McIlroy na mayroong yaman na aabot sa mahigit $440-M.
Ang 51-anyos na si Beckham ay brand ambassador ng ilang mga sporting brand.
Habang ang asawa nito na si Victoria ay galing ang yaman nito sa mga fashion label kung saan nakilala ito bilang dating miyembro ng girl group na Spice Girls.
















