-- Advertisements --
Dahil sa mga magagandang programa sa edukasyon ay itinalaga ni vice president at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte bilang kaniyang consultant ang pinalitan nitong kalihim na si Leonor Briones.
Sa ginanap na turnover ceremonies sa DepEd, pinuri ng ikalawang pangulo ng bansa si Briones dahil sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa bansa.
Naging maganda aniya ang mga payo ni Briones kaya minarapat niya itong italaga bilang consultant.
Handa rin aniya sundan ni Duterte-Carpio ang yapak ni Briones bilang kalihim ng ahensiya.