-- Advertisements --

Pumalag si dating Chief Justice Hilario Davide sa pahayag ni Sen. Koko Pimentel na malaki ang maitutulong ng dagdag buwis sa pagsusulong ng panukalang pagpapalit ng Saligang Batas patungong pederalismo.

Sa isang panayam nanindigan si Davide na malaking hamon ang haharapin ng mahihirap na Pilipino kapag ipinasa ang Charter Change.

Bukod dito, magiging balakid din daw ito sa demokrasya at pagunlad ng bansa.

Nitong Sabado nang magharap sa forum tungkol sa pederalismo sina Pimentel at Davide kung saan inihayag ng senador ang kanyang suporta sa pagbabalik ng apat na taong termino at isang re-election ng mga opisyal sa gobyerno.