Bakas ang kaligayahan ni Xyriel Manabat na naisakatuparan na nito ang isa sa kanyang “bucket list” o listahan ng mga target magawa sa buhay noon pang nakaraang taon.
Ito’y bagama’t umani ng iba’t ibang reaksyon sa kanyang fans kung saan may mga humusga na naging “wild” na raw si Xyriel, habang may mga pumuri rin naman sa anila’y “new experience.”
Sumailalim kasi kamakailan ang ngayo’y 18-year-old actress sa chest piercing o pagpapalagay ng apat na hikaw sa kanyang dibdib na dating naging kontrobersyal.
Nag-post pa si Manabat ng bahagi ng video habang siya ay hinihikawan sa dibdib kung saan makikitang namumula ang kanyang cleavage o hati sa dibdib at may mga pagkakataon na napapapikit pa ito na tila dahil sa kirot.
“Achieving my “naudlot” December 2021 bucket list,” caption nito sa ilang larawan ng kanyang chest piercing.
Kung maaalala, taong 2020 nang umapela ng respeto si Xyriel sa gitna ng mga “below the belt” o nakakabastos ng komento dahil sa agaw-pansin na malulusog niyang dibdib.
Nakilala si Manabat sa pagganap niya sa mga batang karakter noon sa ilang teleserye.