-- Advertisements --
Tinapos na ng dating child actor na si Bugoy Cariño ang matagal nang ispekulasyon na mayroon na silang anak ng girlfriend at volleyball star na si EJ Laure.
Ito’y kasabay ng kanyang 18th birthday kung saan nag-post ito ng larawan ng kanilang happy family.
Nabatid na dalawang taong gulang na ang anak nina Bugoy sa kanyang 23-year-old girlfriend.
Taong 2018 unang pumutok ang balita na dalawa sa mga miyembro ng all-male dance group sa isang noontime show ang suspendido dahil nakabuntis umano ang mga ito, bagay na bawal sa kontrata.
Sa panahong iyon ay tahasang itinanggi noon ni Bugoy na may anak na siya, gayundiin ang dating team captain ng volleyball team ng University of Sto. Tomas.
Si Laure ay naging miyembro rin ng Philippine national team.