Inanunsiyo ni dating four-time world champion Adrien Broner ang kanyang pag-atras sa laban kontra kay Omar Figueroa na gagawin sana sa darating na Linggo dahil sa isyu ng kanyang mental health.
Ginawa ni Broner ang pagkumpirma sa kanyang Instagram account.
Humingi rin ito ng paumanhin sa mga fans kasabay ng apela na dasal para sa kanya.
Ang naturang laban ay isasagawa sana sa Hollywood, Florida.
Bilang kapalit ni Broner ang dating world champion na si Sergey Lipinets (16-2-1, 12 KOs) ang haharap na lamang kay Figueroa.
Aminado naman ang 33-anyos na si Broner na nagkulang siya sa preparasyon dahil hindi 100% na nakapokus ang kanyang isip.
“In all reality I have nothing to prove to nobody,” ani Broner. “I’m a 4 time world champion in 4 different weight classes and if I never lace up another pair of gloves again I feel like it’s safe to say I will be inducted into the #BoxingHallOfFame.”
Kung maalala ilang iskandalo na rin at kaso ang kinasangkutan noon ni Broner.
Taong 2019 nang makaharap niya si Manny Pacquiao kung saan tinalo siya via unanimous decision.