Itinunover na ng pamahalaan ang tatlong evacuation centers sa Batangas kasunod nang pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario, magkakaroon ng inagurasyon sa mga naturang local evacuation centers sa Miyerkules.
Matatagpuan ang mga ito sa Santa Teresita, Alitagtag at Mataasnakahoy sa Batangas na nasa labas ng danger zone.
Puwede itong mag-accomodate ng 150 na pamilya na mayroong apat o limang miyembro at puwedeng malagyan ng modular tents para sa privacy ng mg evacuees.
Mayroon ding mga amenities na kasama sa evacuation centers, magkahiwalay na male at female comfort rooms, shower rooms, prayer room, kitchen, mess hall, clinic at storage room para sa mga suplay.
As of Thursday sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 7,237 na katao ang apektado ng pag-alburuto ng Taal Volcano o katumbas ng 2,047 na pamilya.