-- Advertisements --
AFP

Bibisita sa Pilipinas ang European Parliament (EP) subcommittee on human rights sa darating na ika-22 hanggang 24 ng Pebrero, ayon sa pahayag Department of Foreign Affairs (DFA).

Tinanggap ng departamento ang kahilingan ng European Parliament dahil ito ay umano nagpapahiwatig ng pagpapalawak ng pag-uusap at pagtutulungan ng Pilipinas at European Union (EU).

Patuloy kasi na lumalawak ang relasyon ng Pilipinas sa European Union at sa mga miyembro nito sa mga larangang pampulitika, pang-ekonomiya at pang-seguridad.

Ang mga ugnayang ito ay batay sa mutual interest at shared values ​​ng democracy and freedom, rule of law, peace and stability and human rights ayon sa Department of Foreign Affairs.

Idinagdag ng ahensya na ang pagbisita ng European Parliament subpanel ay magaganap sa konteksto ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at European Union partikular na sa mga karapatang pantao.

Ayon sa European Union Delegation in the Philippines, anim na miyembro nito ang mangunguna sa delegasyon na pupunta sa Maynila.

Ayon sa departamento, ang nasabing delegasyon ay makikipagpulong sa mga mambabatas sa Senado at House of Representatives upang pag-usapan ang mga legislation.

Una na rito, ito na rin ay bilang courtesy call kina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla Jr. at Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual.