-- Advertisements --

Naghahanda na si Filipino boxer Eumir Marcial para sa laban nito sa bansa sa darating na Marso 23 sa Ninoy Aquino Stadium.

Makakaharap nito si super middleweight boxer Thoedsak Sinam ng Thailand.

Ang nasabing laban ay bilang bahagi ng paghahanda niya sa pagsabak sa Paris Olympics.

Mismong si dating Senador at Pinoy boxing champion Manny Pacquiao ang namuno para sa laban ni Marcial sa bansa.

Sinabi ni Pacquiao na nais niyang mapanood ng mga boxing fans ang laban ni Marcial bago ang pagsabak nito sa Paris Olympics.

Sa kasalukuyan ay nasa Las Vegas ang 28-anyos na si Marcial kung saan doon niya isinasagawa ang training camp kasama ang coach na si Kay Koroma.

Si Marcial na bronze medalist noong Tokyo Olympics ay mayroong apat na panalo at wala pang talo sa kaniyang professional career habang ang Thai boxer ay mayroong 23 panalo at 13 talo na may 19 knockouts.