CEBU CITY – Nakahanda na ang isasagawang “new normal” edition ng Dugong Bombo 2020 bloodletting activity ngayong araw sa bayan ng Barili, Cebu.
Ito’y matapos na nakipag-ugnayan ang himpilan ng Bombo Radyo Cebu sa Barili Municipal Government upang isagawa ang nasabing misyon ngayong marami ang nangangailangan ang dugo.
Ayon kay Barili, Cebu mayor Julito Flores na malugod niyang tinanggap ang nasabing partnership dahil nakita niya ang malaking pangangailangan ng dugo lalo na at nakakatulong umano ang convalescent plasma sa pagpapagaling ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Inanyayahan naman ng alkalde ang mga kababayan nito na lumahok sa Dugong Bombo upang ipakita sa lahat ang bayanihan sa kabila ng nararanasang pandemya.
Espesyal ang bloodletting activity ngayong araw sa Barili Municipal Hall dahil ini-alay ito sa pumanaw na alkalde na si Marlon Garcia.










