Hinikayat ng dating pulis at tinaguriang “poster boy” ng war on drugs ng dating administrasyon na si Retired Police Lt. Col. Jovie Espenido ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa na umatras na pagtakbo bilang alkalde ng Albuera, Leyte.
Kaugnay nito ay nanawagan rin si Espenido sa mga botante ng naturang bayan na suriing mabuti ang mga tumatakbong kandidato sa kanilang lugar.
Giit ni Espenido na kailangang pag-isipang mabuti ang background ng mga kumakandidato.
Apela pa nito kay Espinosa na huwag nang dalhin sa bayan nito ang madilim na nakaraan .
Si Espenido ay nagsilbing chief of police ng Albuera mula Hulyo hanggang Disyembre ng taong 2016.
Ipinagmalaki rin nito na sa kanyang panunungkulan ay nabuwag nito ang mga illegal drugs trade sa naturang bayan.