-- Advertisements --

Kinumpirma ni Presidential Security Group (PSG) commander Col. Jesus Durante III na ilang Security personnel na naka-assign kay Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagpositibo sa COVID-19,

Sa ngayon hindi pa matukoy ni Durante kung ilan ang ekasktong bilang ng mga PSG personnel ang lumabas ng positibo sa virus na pawang mga asymptomatic.

Pero lahat aniya ng security personnel na nakatalaga dito ay isinailalim na sa quarantine

Samantala, negatibo naman si Medialdea sa covid 19.

Inirekumenda din nitong sumailalim sa quarantine ang lahat ng staff ng Office of the Executive Secretary habang magsasagawa din ng disinfection sa kanilang tanggapan.