-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Isinailalim na sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula ngayong araw ang probinsya ng Cotabato.

Ang ECQ ay Inaprobahan ng Cotabato Inter-Agency Task Force on COVID -19) kung saan bahagi ito ng Executive Order # 55 ni Cotabato Governor Nancy Catamco.

Na mag-uumpisa alas 12:01 ng madaling araw kanina April 15 hanggang alas 12:00 ng umaga Abril 30,2020.

Sa isinagawang pagpupulong ng mga lokal na opisyal ng probinsya sa pangunguna ni Governor Catamco,militar,pulisya at mga miyembro ng Task Force Covid 19.

Napagkasunduan nito na mas paiigtingin pa ang mga inilatag na hakbang para labanan ang Coronavirus Disease 2019 matapos na makapagtala na ng tatlong positibong kaso nito sa lalawigan.

Dalawang border checkpoint ang idadagdag sa dating siyam na kinabibilangan ng patrol checkpoint sa boudary ng Pigcawayan-Buldon at Lagumbingan checkpoint sa boundary ng Midsayap-Kabuntalan.

Ang bawat border checkpoint ay mayroong command leader upang masigurong maayos ang implementasyon ng COVID-19 health protocols.

Ipagbabawal na rin ang pagsasagawa ng spraying or misting bilang disinfection base sa circular na ipinalabas ng Department of Health (DOH).

Mas paiigtingin din ang paghuhugas ng kamay at footbath sa mga boundary checkpoints.

Binigyang diin pa ng EO 55 ang lockdown sa lahat ng mga gustong pumasok, residente man o hindi ng probinsya maliban na lamang sa mga essential frontline medical workers, militar at pulisya, mga nagta trabaho sa gobyerno at mga nagdedeliver ng mga pagkain, medical supplies at iba pang mga pangunahing pangangailangan.

Tuloy ang thermal scanning.Tanggal ang mist sprays dahil sa masamang dulot ng chlorine.

Pwede papasukin mga funeral cars na may patay basta may death certificate at permit to travel.

Magkakaroon ng quarantine pass/mayor’s pass at essential working pass.

May locator slip.Pero tuloy ang farming activities at tuloy ang delivery ng food supplies.

Mandatory na ang pagsusuot ng face masks at ang curfew hours ay magsisimula 9:00 ng gabi to 5:00 ng umaga.