-- Advertisements --

ILOILO CITY – Anim na bilang ng kasong estafa ang kinakaharap ng mayoral candidate sa Miag-ao, Iloilo, na si Engineer Anthony Ticorda.

Si Engr. Ticorda ay 52-anyos, residente ng Barangay Baybay Norte sa nasabing bayan, ay nadakip ng Sara at Miag-ao Philippine National Police (PNP) sa bisa ng arrest warrant.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Jose Nemias Pamplona, hepe ng Sara-PNP, sinabi nito na sa bayan ng Sara isinampa ang kasong estafa.

May kinalaman aniya sa isyu ng lupa ang kasong isinampa laban kay Ticorda.

Nabatid na tumatakbo si Ticorda sa pagka-alkalde laban kay former 1st District Congressman Richard Garin sa bayan ng Miagao.