Davao City – Patay on the spot ang isang lalaki matapos maaksidente sa kanyang minamanehong motorsiklo alas 2:30 kaninang madaling araw.
Nakilala ang biktima base sa narekober na nitong ID na si Peter Buot Hugo, isang trabahante ng Security Agency at residente sa 115 Bronze St., Mineral Vill., DC.
Ayon sa imbistigasyo ng traffic section ng San Pedro Police Station, galing sa F.Torres St. ang biktima ngunit pagdating nito sa Jacinto Ext. bigla na lamang itong nawalan ng control sa kanyang pagmaneho ng kanyang motor at bumangga sa nilagay na steel barrier sa isang manhole sa tabi ng kalsada. Agad naman itong nirespondehan ng Davao Central 911 ngunit dineklara na itong wala ng buhay.
Dahil sa lakas ng pagkabangga, tumilapon ang biktima ng ilang metro at napuruhan ang kanyang ulo na agad nitong ikinamatay.