-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Kumikilos na ang Embahada ng Pilipinas sa Ankara, Turkey upang matulungan ang mga naapektuhan ng malakas na lindol.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Rubylyn Degracia ng Turkey na sa ngayon ay lumilikom na ang embahada ng Pilipinas ng mga kagamitan tulad ng mga jacket, bonet at mga canned goods upang maibigay sa mga naapektuhan ng lindol.

Sa lugar kung saan naganap ang epicenter ng lindol ay nasa dalawang daan ang Pilipino at mayroon ding nakapag-asawa ng Syrian ang nasira ang kanilang mga bahay.

Hindi rin madaanan ang mga kalsada sa Gaziantep na nasa Southeastern part ng Turkey at sentro ng naganap na 7.8 magnitude na lindol.

Mahigit 5,600 structures ang gumuho at maraming mga bitak-bitak na kalsada.

Puspusan ngayon ang isinasagawang search and rescue operations ng pamahalaan ng Turkey at nagbibigay na rin ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol.

Sa ngayon ay may naitatala pa ring afthershocks dulot ng nagdaang malakas na lindol.